Huwebes, Agosto 25, 2011

Current Affair Issue at Quiz Bee

Dong Puno
Randy David
 Makukunsidera ko siguro na isa na ko sa mapalad na namulat sa panahon dekada 80 at 90, dahil sa panahong ito kaliwa't kanan ang mga palabas tungkol sa importanteng isyu ng bansa.Mga bandang 9 p.m. pa lang ay mapapanood mo na ang mga gaya nila Dong Puno, Teddy Benigno, Randy David, Louie Beltran, Winnie Monsod, Cheche Lazaro at iba. tama nga ang sabi ng idol kong si Lourd De Veyra...hating gabi na puro tsismis at buhay ng artista ang makikita mo sa mga palabas....kung gusto mo makapanood ng my sustansya at my kahulugan na usapin kailangan mo abutin ng madaling araw o hinde kaya my ANC o cable ka...pakiwari ko kaya dumami ang mga adik na nag shashabu kase pang midnight ang mga usapin my bitamina...kasama na sa trip nila ang makinig ng isyu ng bansa...dangan kase 'tong mga politokong abusado, mga halang ang bituka, mga kriminal, mga buayang pulis...kung susumahin pantay pantay ang mga asal ng damuhong 'to nde naglalayo...magkakamukha...


Malaking bagay ang nagagawa ng mga talk show patungkol sa napapanahong isyu, bukas at maliwanag sa isipan ang dulot ng mga usapin sa mga taong kagaya ko at kagaya nila na may malasakit sa lublob sa putikang Juan dela Cruz...minsan may magandang dulot din ang mga makukulit na media sa kapakanan ng ating bayan pero minsan sumasablay din naman.


Wala talagang perpekto sa mundo, kahit nga si Pekto na kapitbahay ko, pero naalala ko na na perfect niya ang "mahjong", langya sa tanda ko na 'to hinde ko marunong ng larong Intsek na yan. kung pwede lang gawin panapon o flores ng "mahjong" ang mga salot ng bayan ang dami ng nadamay.
Napanood ko ang ilan parte ng hearing session sa senado kung saan hot seat ang dating bookkeeper ng LTA Inc. na pag aari ng mga Arroyo, bakas sa mukha ni Rowena del Rosario ang kaba at pagtatakip sa kasalanan ng ibang tao, siguro nanaig ang sinasabing "utang na loob", isipin mo nga naman bookkeeper naging isa sa mga trusty ng isang ahensya ng gobyerno...malaking obligasyon dahil pera ng taong bayan ang pinag uusapan dito...hinde ko alam kung maawa ako o maiinis sa taong naiipit sa mga nangangalit na nag uumpugan na bato. Nasabi ko ito dahil base sa akin pag aanalisa panahon ngaun ng mga dating oposisyon, panahon nilang bawiaan ang mga ngaun na oposisyon...tama nga ang kasabihan na binitawan ni Pangulong Erap..."weather...weather lang yan...



Naalala ko ang weather...1st year high school ko noon nanood ko ng "BATTLE OF THE BRAINS"..ume-ere sa Chanel 9 mula 1992-1999...David Celdran at Chiqui Roa-Puno ang mga quiz master, nakakaaliw dahil ang tanong na simple ngunit "tricky"...ilang weather daw meron ang Amerika? sagot ang isang estudyanteng contestant, "apat"...winter,spring, summer  or fall parang kanta lang. ang flip side nito ang "BATTLE OF THE BRAINLESS" ng comedy sitcom ng "BUBBLE GANG".
mabalik tayo sa matinong usapan...ilan nga ba ang pumalit sa quiz game show na ito...? parang wala na ko matandaan.
wala na bang network na makaka isip ng ganitong palabas...hinde un puro tsismis at buhay ng mga artista ang hahalukayin natin. walanghiyang buhay 'to kaya pati kapitbahay ko na walang magawa sa buhay pati ako tsinitsismis..hinde naman artista..artistahin oo...


David Celdran
Panawagan po sa mga network Channel 2, Channel 7 ipauso nyo ulit ang nga ganitong klaseng mga educational at para maging aware ang mga tao sa paligid kung ano na ang nangyayari sa bayan natin.
Channel 5...tutal pasikat kayo..kesa yan show ni Willy palitan nyo na lang educational game show...







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento