![]() |
| Dr. Jose P. Rizal |
Ang mga tao na nag buwis ng buhay upang makamtam natin ang kalayaan sa mga dayuhan na nag nanais sumakop sa ating lupang tinubuan. Naisip ko lang paano kaya kung walang Gat JOSE RIZAL na pambansang bayani...ano kaya ang klase ng pamumuhay natin ngaun? pang pito sa labing isang mag kakapatid, tubong Calamba, Laguna ( kabayan ), nag sunog ng kilay upang maging armas ang dunong at kaalaman sa pakikibaka...kung saan saan unibersidad sa ibang bansa at sang damakmak ng bigating kurso ang pinag aralan.sinulat ang pamosong "NOLI ME TANGERE" at "EL FILIBUSTERISMO" kung saan naging susi upang mamulat ang sarado at madilim na isipan ng ating mga kababayan..."polyglot", pag gamit ng iba't ibang klase ng wika ang isa sa mga katangian taglay. tinatag ang "La Liga Filipina" kung saan nagsimulang sumiklab ang rebulusyon sa pangunguna ni ANDRES BONIFACIO katuang si EMILIO AGUINALDO.
Paano nga kaya kung walang RIZAL,BONIFACIO at AGUINALDO at iba pang mga bayani?
Ano ang klase ng pamumuhaynatin ngayon?
siguro kung nasakop tayo ng mga kastila istilong kastilaloy tayo..."engrata", "si"...kung mga hapones malamang sangkatutak ang mga pinoy na sakang at take note konti lang mga "japayuki"..."bakero"!.
sana hinde na tayo nag kukumahog pumila sa USA Embassy para kumuha ng visa...to reach that fuckin American dream!
Anak ng pitongput puting tupa sa dami ng mga banyagang gusto sumakop sa atin iba't ibang itsura at pag mumukha ang naging resulta ng mga Pinoy, may bentahe din naman kung kakarkulahin...dahil sa totoong lang
![]() |
| Manny Pacquiao |
Sa makabagong panahon sinasabi n ang mga OFW ang mga bagong bayani...syempre kasama ang aking inay na walang sawang nasuporta sa akin...SALAMAT INAY!
![]() |
| Janella Lelis |
Sino pa nga ba ang mga dapat na maituring na bayani,si Janella Lelis ba na nagligtas ng bandila ng Pilipinas sa kasagsagan ng ragasa ng baha nung bagyong Juaning o si kuya Efren Peňaflorida na nagtuturo sa mga batang lansangan ng libre at walang halong kapalit? saludo ko sa inyo mga kapatid!
![]() |
| Efren Penaflorida |
Sabi ng iba mahirap daw maging bayani sa literal na salita binabaril ang bayani sa plasa. sino ba naman ang gustong mabaril? ikaw na nga ang tumutulong ikaw pa itong mapapasama...buhay nga naman ng tao. sumagi sa isip ko si mang Bayani na gumagawa ng motor sa amin, lufet men...bayani siya ng mga tricycle boy, dahil pag ibaba ang makina ng motor mo isa siya sa maasahan.
Mabalik tayo sa isyu: Araw ng Bayani...nabibigyan lang ng pansin dahil holiday, my ilang porsyento dagdag sa sahod, walang pasok sa eskwela, malamang maraming tao sa Luneta at andon din ang mga pasikaterong politoko na mag aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal. magkano kaya budget ng programa?
Hindi matatawaran ang mga pagpapakahirap ng mga bayaning Pilipino na nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. Bigyan pugay sila sa araw na ito at bilang mga Pilipino tularan natin ang pagmamahal na pinakita nila para sa ating inang bansang Pilipinas.
Mabuhay ang BAYANING PILIPINO!








