Biyernes, Agosto 26, 2011

ARAW NG BAYANI

Dr. Jose P. Rizal
 Aug. 29, 2011..Idineklarang araw ng mga bayani. Bakit sa salita at mga larawan na lang natin sila nakikilala?
Ang mga tao na nag buwis ng buhay upang makamtam natin ang kalayaan sa mga dayuhan na nag nanais sumakop sa ating lupang tinubuan. Naisip ko lang paano kaya kung walang Gat  JOSE RIZAL na pambansang bayani...ano kaya ang klase ng pamumuhay natin ngaun? pang pito sa labing isang mag kakapatid, tubong Calamba, Laguna ( kabayan ), nag sunog ng kilay upang maging armas ang dunong at kaalaman sa pakikibaka...kung saan saan unibersidad sa ibang bansa at sang damakmak ng bigating kurso ang pinag aralan.sinulat ang pamosong "NOLI ME TANGERE" at "EL FILIBUSTERISMO" kung saan naging susi upang mamulat ang sarado at madilim na isipan ng ating mga kababayan..."polyglot", pag gamit ng iba't ibang klase ng wika ang isa sa mga katangian taglay. tinatag ang "La Liga Filipina" kung saan nagsimulang sumiklab ang rebulusyon sa pangunguna ni ANDRES BONIFACIO katuang si EMILIO AGUINALDO.

Paano nga kaya kung walang RIZAL,BONIFACIO at AGUINALDO at iba pang mga bayani?
Ano ang klase ng pamumuhaynatin ngayon?
siguro kung nasakop tayo ng mga kastila istilong kastilaloy tayo..."engrata", "si"...kung mga hapones malamang sangkatutak ang mga pinoy na sakang at take note konti lang mga "japayuki"..."bakero"!.
sana hinde na tayo nag kukumahog pumila sa USA Embassy para kumuha ng visa...to reach that fuckin American dream!
Anak ng pitongput puting tupa sa dami ng mga banyagang gusto sumakop sa atin iba't ibang itsura at pag mumukha ang naging resulta ng mga Pinoy,  may bentahe din naman kung kakarkulahin...dahil sa totoong lang
Manny Pacquiao
pasok na pasok ngayon ang mga Fil-Am...Tsinoy at iba pa. hinde ko kontra o umaayaw sa mga half breed(parang aso lang), pero pag usapang sports tulad ng in na in ngayon football pasok ang Younghusband brothers, Simon Greatwich, Neil Etheridge at ilan pa...putsa wala bang apelyidong Magtanggol, Batungbakal, Dimagiba...na mangugnguna sa larangan 'to. mabuti na lang mayroon Manny Pacquaio na humahawak sa 8 titulo..iba ka tol!

Sa makabagong panahon sinasabi n ang mga OFW ang mga bagong bayani...syempre kasama ang aking inay na walang sawang nasuporta sa akin...SALAMAT INAY!

Janella Lelis
Sino pa nga ba ang mga dapat na maituring na bayani,si Janella Lelis ba na nagligtas ng bandila ng Pilipinas sa kasagsagan ng ragasa ng baha nung bagyong Juaning o si kuya Efren Peňaflorida na nagtuturo sa mga batang lansangan ng libre at walang halong kapalit? saludo ko sa inyo mga kapatid!
Efren Penaflorida

Sabi ng iba mahirap daw maging bayani sa literal na salita binabaril ang bayani sa plasa. sino ba naman ang gustong mabaril? ikaw na nga ang tumutulong ikaw pa itong mapapasama...buhay nga naman ng tao. sumagi sa isip ko si mang Bayani na gumagawa ng motor sa amin, lufet men...bayani siya ng mga tricycle boy, dahil pag ibaba ang makina ng motor mo isa siya sa maasahan.

Mabalik tayo sa isyu: Araw ng Bayani...nabibigyan lang ng pansin dahil holiday, my ilang porsyento dagdag sa sahod, walang pasok sa eskwela, malamang maraming tao sa Luneta at andon din ang mga pasikaterong politoko na mag aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal. magkano kaya budget ng programa?

Hindi matatawaran ang mga pagpapakahirap ng mga bayaning Pilipino na nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. Bigyan pugay sila sa araw na ito at bilang mga Pilipino tularan natin ang pagmamahal na pinakita nila para sa ating inang bansang Pilipinas.
Mabuhay ang BAYANING PILIPINO!
















Huwebes, Agosto 25, 2011

Current Affair Issue at Quiz Bee

Dong Puno
Randy David
 Makukunsidera ko siguro na isa na ko sa mapalad na namulat sa panahon dekada 80 at 90, dahil sa panahong ito kaliwa't kanan ang mga palabas tungkol sa importanteng isyu ng bansa.Mga bandang 9 p.m. pa lang ay mapapanood mo na ang mga gaya nila Dong Puno, Teddy Benigno, Randy David, Louie Beltran, Winnie Monsod, Cheche Lazaro at iba. tama nga ang sabi ng idol kong si Lourd De Veyra...hating gabi na puro tsismis at buhay ng artista ang makikita mo sa mga palabas....kung gusto mo makapanood ng my sustansya at my kahulugan na usapin kailangan mo abutin ng madaling araw o hinde kaya my ANC o cable ka...pakiwari ko kaya dumami ang mga adik na nag shashabu kase pang midnight ang mga usapin my bitamina...kasama na sa trip nila ang makinig ng isyu ng bansa...dangan kase 'tong mga politokong abusado, mga halang ang bituka, mga kriminal, mga buayang pulis...kung susumahin pantay pantay ang mga asal ng damuhong 'to nde naglalayo...magkakamukha...


Malaking bagay ang nagagawa ng mga talk show patungkol sa napapanahong isyu, bukas at maliwanag sa isipan ang dulot ng mga usapin sa mga taong kagaya ko at kagaya nila na may malasakit sa lublob sa putikang Juan dela Cruz...minsan may magandang dulot din ang mga makukulit na media sa kapakanan ng ating bayan pero minsan sumasablay din naman.


Wala talagang perpekto sa mundo, kahit nga si Pekto na kapitbahay ko, pero naalala ko na na perfect niya ang "mahjong", langya sa tanda ko na 'to hinde ko marunong ng larong Intsek na yan. kung pwede lang gawin panapon o flores ng "mahjong" ang mga salot ng bayan ang dami ng nadamay.
Napanood ko ang ilan parte ng hearing session sa senado kung saan hot seat ang dating bookkeeper ng LTA Inc. na pag aari ng mga Arroyo, bakas sa mukha ni Rowena del Rosario ang kaba at pagtatakip sa kasalanan ng ibang tao, siguro nanaig ang sinasabing "utang na loob", isipin mo nga naman bookkeeper naging isa sa mga trusty ng isang ahensya ng gobyerno...malaking obligasyon dahil pera ng taong bayan ang pinag uusapan dito...hinde ko alam kung maawa ako o maiinis sa taong naiipit sa mga nangangalit na nag uumpugan na bato. Nasabi ko ito dahil base sa akin pag aanalisa panahon ngaun ng mga dating oposisyon, panahon nilang bawiaan ang mga ngaun na oposisyon...tama nga ang kasabihan na binitawan ni Pangulong Erap..."weather...weather lang yan...



Naalala ko ang weather...1st year high school ko noon nanood ko ng "BATTLE OF THE BRAINS"..ume-ere sa Chanel 9 mula 1992-1999...David Celdran at Chiqui Roa-Puno ang mga quiz master, nakakaaliw dahil ang tanong na simple ngunit "tricky"...ilang weather daw meron ang Amerika? sagot ang isang estudyanteng contestant, "apat"...winter,spring, summer  or fall parang kanta lang. ang flip side nito ang "BATTLE OF THE BRAINLESS" ng comedy sitcom ng "BUBBLE GANG".
mabalik tayo sa matinong usapan...ilan nga ba ang pumalit sa quiz game show na ito...? parang wala na ko matandaan.
wala na bang network na makaka isip ng ganitong palabas...hinde un puro tsismis at buhay ng mga artista ang hahalukayin natin. walanghiyang buhay 'to kaya pati kapitbahay ko na walang magawa sa buhay pati ako tsinitsismis..hinde naman artista..artistahin oo...


David Celdran
Panawagan po sa mga network Channel 2, Channel 7 ipauso nyo ulit ang nga ganitong klaseng mga educational at para maging aware ang mga tao sa paligid kung ano na ang nangyayari sa bayan natin.
Channel 5...tutal pasikat kayo..kesa yan show ni Willy palitan nyo na lang educational game show...







Linggo, Hulyo 10, 2011

streetlight...

Nagsimula sa umpukan ng mga mag kakaibigan...
problemang maituturing ng higit ilan samin...
"pre,tagay na"...lalu daw sumasarap ang alak kapag ang kaharap mo sa inuman un mga tao na kasalo sa baso na pina iikot...nde baleng ang pulutan ay mani,chicharon,itlog ng pugo na binibili nmin sa batang suki na namin na nagtitinda na ng balot...na kung minsa'y napapa upo na rin sa tagayan...
Nabuksan ang nde na bago pero malimit pag usapan ng tropa dahil sa pangamba na isang araw kami na mismo na taga V. Vergara, Cuyab, San Pedro, Laguna (pulong candy)...ay naglalakad na my takot at pag aalinlangan na my bigla na lang my mangyari samin na hinde maganda.
nag kasundo ang tropa na tapusin ang mga malabo at madilim na tanong na nanatili samin isipan...kilala ang lugar namin na delingkwente at lantaran ang pagbebenta ng Droga...pero teka nde ito ang topic...mabigat kalaban ang mga tao sa likod nito...mahal ko pa buhay ko.una sa lahat wala ko sa posisyon at kakayahan na sagupain sila.Ipaubaya natin sila sa mga my kinauukulan.
STREETLIGHT...bakit nga ba kami nangangatal na dapat sana'y ang unang ma aalarma yun mga tao na alam nila sa sarili nila na dapat sila ang unang gumawa ng AKSYON?
nagpalitan ng kuro-kuro ang iba samin medyo my tama ng AGUA DE PATARANTA kahit light lang naman iniinom namin..ang iba tumatalino,un iba tahimik lang tamang LISTENER lang...un iba tamang kulit lang...ano man ang trip pero iisa ang punto ng usapan STREETLIGHT.
para matapos na ang mga tanong...sinubukan namin tawagan ang mga my kinauukulan...dangan lamang may mga pagkakataon na nde kami napaunlakan dahil siguro marami talagang inaasikaso...pero hinde kami sumuko...kulitan na nga e...nag try ulit kami ng isa pang tao na alam namin at tiwala kami na masasagot ang mga tanong...nde nman kami nabigo.
Kag JAYPEE BELZA ESCUDERO..."taas ang dalawang kamay ko syo".
salamat sa paunlak at naramdaman namin na mahalaga kami syo...sabagay kilala ko ng ang batang 'to noon pa man...dabarkads ko mga nakakatanda nitong kapatid.
nagsimula ang palitan ng kuro-kuro...isa-isa naman napaliwanag samin ang mga hinaing na matagal ng nakasiksik sa mga utak namin...wag na natin hanapin o ungkatin pa ang mga tao na naging dahilan kung bakit walang liwanag na masasabi dito sa lugar namin...ngaun ang mas importante pa sa mahalaga naibsan ang mga tanong na kinapa namin sa kadiliman na bumabalot saming lugar.sarap nga naman makipag usap sa taong intelehente...may pagkakataon na makakakuha ka ng aral o nde kaya'y syo makakapulot ng aral...madaling umintindi at maka pick up.patuloy mo lng yan kaibigan at kasama mo kami hanggang sa huli...nawa'y nde nasayang ang palitan natin ng laway...umaasa at aasa sa mga binitiwan mo na nde pangako pero pipilitin mo na magawaan ng paraan ng walang halong panunumbat at pag baliktanaw sa minsa'y alam mo sa sarili mo na sinumpaan at nilag daan tungkulin mag lingkod sa bayan...

MERALCO...na saan ang sinasabi nyo na may liwanag ang buhay?