BAYAN ANG PAG SILBIHAN AT
HINDE ANG GOBYERNO
Kaya nga ang tawag ay SEBISYO PUBLIKO. Ibig sabihin, kayo ang na atasan para pagsilbihan ang mga mamamayan.Hindi kayo nasa gobyerno para mag pasikat at singilin ang mga kababayan natin sa trabahong nagawa.
Ang pagtatrabaho sa gobyerno ay isang karangalan. Binibigyan ka ng pagkakataon na pagsilbihan ang iyong mga kababayan.
Imbes na singilin ang taumbayan, dapat pa nga silang pasalamatan sa pagkakataon at tiwalang ibinigay para paglingkuran sila.
Ang taumbayan ay walang utang na loob sa mga halal at itinalagang kawani ng gobyerno. Trabaho niyo na sila ay paglingkuran.
Habang umiiral ang DEMOKRASYA sa bansa, karapatan ng bawat mamamayan na PUNAHIN ang pag kukulang at LABANAN ang mga mali sa gobyerno.
Ang taumbayan ay tutok na sa nangyayari sa paligid, Natural na ipahayag ng mga mamamayan ang pagtutol o pag puna sa mga pag kukulang at maling gawain ng sino mang kawani ng gobyerno.
Ngunit iilan lamang ang bukas ang bibig at lamang pa rin ang tikom.
Katunayan, sa isang demokrasya, napakahalaga na mayroong boses ng pagtutol. Ang pagtutol at mga kritisismo, partikular na sa mga polisiya na isinusulong ng gobyerno, ay nakakatulong upang mapabuti ang kalidad ng serbisyo publiko.
Ito ay nangangahulugan ng isang buhay na demokrasya kung saan ginagamit ng taumbayan ang kapangyarihan nilang papanagutin at siguraduhing ginagampanan ng mga opisyales at kawani ng gobyerno ang kanilang trabaho.
Hindi mo matatakpan ang mata, tenga at bibig ng mga Pilipino sa mga maling nangyayari sa ating bayan.
Hindi mananahimik ang taumbayan sa mga maling gawain ng mga opisyales at kawani ng gobyerno na dapat ay nagsisilbi sa kanila. Ganyan ang demokrasya na dapat igalang ng lahat.
Sa aking palagay ay kulang ang pag mamahal sa Bayan ng marami sa mga namumuno sa ating bansa. Maaaring mayroon naman ngunit hinde ito ang nasa una, ngunit ang sariling interes bago ang interes ng bayan. Kung ginagamit lang sana nila ang kanilang galing at talino para sa kapakanan ng bayan, siguro maunlad na at hinde ganito ang sitwasyon ng ating bansa.
Sa palagay ko, mahigit siguro 90 porsyento ng mga halal na opisyal ay hanap buhay nila ang politika. Kung kaya't ito na rin ang dahilan kung bakit sila ay halos maki pag patayan at gumawa ng anomalya sa laban sa politika sapagkat kabuhayan ang pinag aawayan.
Ang inyong abang lingkod ay hinde sinuwerte sa politika siguro sa maraming dahilan, isa na siguro ang hinde ko hanap buhay ang politika.
Marami ang simpleng nagagalit sa pagiging KRITIKO ko at PALA PUNA sa mga mali at pagkukulang napapansin ko.
Simple lang naman ang nais ko maging maayos ang kapakanan ng lahat.
Walang masisisi kung iwawaglit natin ang pamomolitika sa bawat desisyon o batas na ipatutupad.
Sa mga kagaya kong simpleng mamamayan, simulan po natin sa ating sarili ang pag babago, sumunod sa mga alintuntunin o batas na pinatutupad.
Marami ang simpleng nagagalit sa pagiging KRITIKO ko at PALA PUNA sa mga mali at pagkukulang napapansin ko.
Simple lang naman ang nais ko maging maayos ang kapakanan ng lahat.
Walang masisisi kung iwawaglit natin ang pamomolitika sa bawat desisyon o batas na ipatutupad.
Sa mga kagaya kong simpleng mamamayan, simulan po natin sa ating sarili ang pag babago, sumunod sa mga alintuntunin o batas na pinatutupad.









