Eleksyon na naman ng LOCAL GOVERMENT.
Governor
Vice governor
Sangguniang Panlalawigan member
Congress
Mayor
Vice mayor
Sangguniang Panlungsod member (Councilor)
Mapupula na naman ang hasang ng mga taong asa sa PULITIKA, alam natin lahat na ang unang lalapitan ng mga aspiranteng tatakbo sa eleksyon ay ang KAPWA POLITIKO na nasa mababang antas ng BARANGGAY,kauna unahan na dito ang BRGY. CAPT. at mga KAGAWAD ng baranggay at ang mga aso na hanggang ngayon tuta pa din ang asal.
Nakakatuwang isipin na sana nga ang dahilan ng mga sumusuporta sa kanila ay ang kapakanan ng bayan o barangay na nasasakupan.,pero paano mo pag titiwalaan ang mga taong ito?
na sila mismo mga kauna-unahang walang silbe at pasweldo lang ng bayan.
kaliwa't kanan silang nagkalat.ang iba pasimpleng suporta...ang iba naman halos makipag patayan sa mga MANOK nilang POLITIKO.
andyan si BRGY. KAGAWAD na halos hugasan ang puwet ni MAYOR o GOV. masabi lang na isang daan porsyento ang suporta. si BRGY. CAPT. na halos itaya ang dignidad para lang masabi na kakampi talaga,
Isa ako sa mga nangarap at naging aspiranteng POLITIKO dangan lamang hinde pinalad na mapagbigyan na maglingkod,ganon pa man inisip ko din na tama na siguro ang pag pupursigeng makihalo sa sa politika.
tutulong at maglilingkod na lang sa bayan sa simpleng gawain at ang gustong gusto ko sa lahat ang punahin ang mga walang silbe at pasweldong politikong tao!