Nagsimula sa umpukan ng mga mag kakaibigan...
problemang maituturing ng higit ilan samin...
"pre,tagay na"...lalu daw sumasarap ang alak kapag ang kaharap mo sa inuman un mga tao na kasalo sa baso na pina iikot...nde baleng ang pulutan ay mani,chicharon,itlog ng pugo na binibili nmin sa batang suki na namin na nagtitinda na ng balot...na kung minsa'y napapa upo na rin sa tagayan...
Nabuksan ang nde na bago pero malimit pag usapan ng tropa dahil sa pangamba na isang araw kami na mismo na taga V. Vergara, Cuyab, San Pedro, Laguna (pulong candy)...ay naglalakad na my takot at pag aalinlangan na my bigla na lang my mangyari samin na hinde maganda.
nag kasundo ang tropa na tapusin ang mga malabo at madilim na tanong na nanatili samin isipan...kilala ang lugar namin na delingkwente at lantaran ang pagbebenta ng Droga...pero teka nde ito ang topic...mabigat kalaban ang mga tao sa likod nito...mahal ko pa buhay ko.una sa lahat wala ko sa posisyon at kakayahan na sagupain sila.Ipaubaya natin sila sa mga my kinauukulan.
STREETLIGHT...bakit nga ba kami nangangatal na dapat sana'y ang unang ma aalarma yun mga tao na alam nila sa sarili nila na dapat sila ang unang gumawa ng AKSYON?
nagpalitan ng kuro-kuro ang iba samin medyo my tama ng AGUA DE PATARANTA kahit light lang naman iniinom namin..ang iba tumatalino,un iba tahimik lang tamang LISTENER lang...un iba tamang kulit lang...ano man ang trip pero iisa ang punto ng usapan STREETLIGHT.
para matapos na ang mga tanong...sinubukan namin tawagan ang mga my kinauukulan...dangan lamang may mga pagkakataon na nde kami napaunlakan dahil siguro marami talagang inaasikaso...pero hinde kami sumuko...kulitan na nga e...nag try ulit kami ng isa pang tao na alam namin at tiwala kami na masasagot ang mga tanong...nde nman kami nabigo.
Kag JAYPEE BELZA ESCUDERO..."taas ang dalawang kamay ko syo".
salamat sa paunlak at naramdaman namin na mahalaga kami syo...sabagay kilala ko ng ang batang 'to noon pa man...dabarkads ko mga nakakatanda nitong kapatid.
nagsimula ang palitan ng kuro-kuro...isa-isa naman napaliwanag samin ang mga hinaing na matagal ng nakasiksik sa mga utak namin...wag na natin hanapin o ungkatin pa ang mga tao na naging dahilan kung bakit walang liwanag na masasabi dito sa lugar namin...ngaun ang mas importante pa sa mahalaga naibsan ang mga tanong na kinapa namin sa kadiliman na bumabalot saming lugar.sarap nga naman makipag usap sa taong intelehente...may pagkakataon na makakakuha ka ng aral o nde kaya'y syo makakapulot ng aral...madaling umintindi at maka pick up.patuloy mo lng yan kaibigan at kasama mo kami hanggang sa huli...nawa'y nde nasayang ang palitan natin ng laway...umaasa at aasa sa mga binitiwan mo na nde pangako pero pipilitin mo na magawaan ng paraan ng walang halong panunumbat at pag baliktanaw sa minsa'y alam mo sa sarili mo na sinumpaan at nilag daan tungkulin mag lingkod sa bayan...
MERALCO...na saan ang sinasabi nyo na may liwanag ang buhay?